Ang karanasan ko noong Intrams ay isa sa mga pinakamasayang bahagi ng aming buhay sa paaralan. Hindi lamang ito tungkol sa paligsahan ng lakas, bilis, at husay sa iba’t ibang larangan ng isports, kundi higit sa lahat ay tungkol sa pagkakaisa at samahan ng bawat isa. Dito namin tunay na naranasan ang diwa ng pagiging atleta ang pagtanggap sa panalo at pagkatalo nang may tapang at paggalang. Sa bawat sigawan ng suporta mula sa mga kaklase, sa bawat pawis na tumulo, at sa bawat ngiti pagkatapos ng laro, napatunayan naming higit pa sa tropeo o medalya ang tunay na gantimpala. Ito ay ang alaala ng pagtutulungan, pagkakaibigan, at kasiyahan na walang kapantay. Ang Intrams ay hindi lamang isang paligsahan, kundi isang makulay na karanasan na dadalhin namin bilang inspirasyon at magandang alaala sa mga susunod na taon .