KARANASAN KO NOONG INTRAMS
Ngayong taon, isa sa mga pinakahinihintay naming kaganapan sa aming paaralan ay ang Intramurals 2025. Para sa akin, hindi lang ito palaro o simpleng kompetisyon isa itong pagkakataon ipakita ang kakayahan sa mga laro Bago pa man dumating ang mismong araw ng Intrams, ramdam ko na ang excitement. May mga practice, paghahanda sa cheering, at pagpupulong ng mga miyembro ng team. ako ang isa sa mga leader ng yell at ako din ang kauna unahang napaos dahil mahirap din magturo dahil may mga Bata pero yung saya ay Hindi matutumbasan ng pagod dahil halos lahat Ng laban ay nandun ako masuportahan lang ang aking mga kagrupo at ako ang isa sa mga pinakamaingay dahil sa programang yun ay nakapasaya.sa kabila Ng saya may halong kaba at tuwa ang naramdaman ko sa Araw na iyon dahil isa ako sa meyembro ng volleyball
Hindi lahat panalo, pero ang saya ng bawat laban ay hindi matutumbasan. Kahit pawis at pagod, ramdam ko ang suporta ng bawat isa.
Para sa akin, ang Intrams ay hindi lang tungkol sa medalya o tropeo. Ang tunay na panalo ay ang pagkakaibigan, pagkakaisa, at alaala na nabuo sa loob ng ilang araw.
Uuwi ako na may pagod sa katawan, pero may ngiti sa labi at pusong puno ng karanasan.