Dalawang araw na hindi ko malilimutan

Naranasan ko sa Intramurals ang isa sa mga pinakamasayang bahagi ng aking buhay-estudyante. Sa loob ng dalawang araw ng palaro, dama ko ang saya at pagkakaisa ng bawat isa. Hindi lamang ito tungkol sa panalo o pagkatalo, kundi sa mga aral at alaala na aking naranasan.

Naranasan kong kabahan bago magsimula ang laro, ngunit unti-unti itong napalitan ng saya at sigla habang pinapakita ang aming galing. Kahit may mga pagkakataong natalo, natutunan naman namin na hindi doon natatapos ang lahat. Mas mahalaga ang disiplina, pagtanggap, at sportsmanship na sabi nga ni Sir. Romeo at Ma'am Rose.

Sa huli, naranasan ko na ang Intramurals ay higit pa sa laro. Ito ay isang selebrasyon ng pagkakaisa, pagtutulungan, at pagkakaibigan. Ang mga karanasang ito ay mananatili sa aking puso bilang isang paalala na ang tunay na panalo ay ang mga aral at alaala na ating dala-dala habang tayo’y nag-aaral at lumalago.

Popular posts from this blog

KARANASAN KO NOONG INTRAMS

memorable experience